*********
bakit kaya...
- kung sino pa yung maganda, siya pa ung malaki ang boses
- kung sino pa yung pangit, siya pang ma-feeling (haaaay)
- kung sino yung maganda ang boses, hindi gwapo
- kung sino pang tahimik na girlalu, siyang nabubuntis agad
- kung sinong sexy, siya pang may sakit (ulcer, kasi hindi kumakain. yan kasi)
- kung sinong guro, walang asal (hindi lahat, nataon lang na meron akong personal na kilala. tsk)
- kung sinong masayahin, meron tinatagong lihim na lungkot
- kung sinong may kaya, ayaw gamitin para pagyamanin ang edukasyon (madami nito)
- kung sinong gustong mag-aral, walang pera
- kung sinong hindi politician, siyang bukal tumulong (c rosa rosal, hindi politician di ba?)
- kung sinong hinahangaan, hindi nakapag-aral (mga artista. hehehe)
- kung sinong nag-apply, hindi tanggap (kasi hindi graduate ng UP, La Salle, Ateneo)
- kung sinong nag-aral sa exclusive school, siya pang magic (ate ko ganun din)
- kung sinong gusto magka bf/gf, siyang single
- kung sino pang mali, siya pang galit
- porke customer is always right, kahit mali, customer service pa rin ang lagot
- porke galing sa ma-impluwensiyang pamilya, ginagamit na dahilan for special treatment (e ano ngayon kung sino ka? pumila ka uy!)
there are so many instances that we wonder why things like these are encountered almost everyday. these are what makes life go round. we learn how to be strong, stand up where we fall, learn how to fight for our rights, strive to be better, inspire ourselves to change, discover, and enjoy...
0 comments:
Post a Comment