January 03, 2005

2005

yehey! bagong taon na. isang taon na rin ako sa work. haaaay! ang bilis lumipas ng araw.
WRAP UP on New Year's Eve:
first time namin ng mama ko mag spend ng new year dito sa manila. so far so good naman. dun lang kami sa condo nag celebrate together with my 2 nieces and my older sibling. parang sobrang dami namin sa bahay dahil sa ingay. buti nga nakauwi ako nun from work. since kami lang, we just had cake, spaghetti, pizza, kare-kare and kaldereta to eat. syempre, hindi mawawala ung mga round fruits. masaya naman kahit pano. though iba pa rin ung spirit kapag nasa sarili kang bahay. hmmm, napilitan nga lang magcelebrate dito sina mama kasi wala akong kasama. umuwi lahat ng kasama ko sa bahay. but im making sure that this year, ako na ang umuwi. d kasi ako nakapag-file ng leave e, naubusan. bawi ako ngayon. hehehe. tumalon pa nga ako baka sakaling meron pang naiiwang pag-asa para lumaki ako. hihihi.
TODAY:
early today, medyo busy wrapping gifts. yes, delayed gifts for my nephews and nieces back home in Kalinga. uuwi na kasi sina mama tomorrow. first time kong bumili ng gifts to give out. ang sarap ng feeling na nakakagulat kasi nabubutas bulsa. hehehe. bunso kasi ako and im used to the fact na ako nireregalohan lagi. that was before, nun musmos pa ako. nun me gatas pa ako sa labi, ngayon nasa buhok ko na. mali! hindi na gatas nasa labi ko, laway na. nyahahaha! though andun pa rin ung pagiging baby ko kasi super alaga parin ako nina mama and my sister. nakakahiya man sabihin pero they are always making sure na ok ako sa lahat ng bahay. ung cabinet ko, maayos. ala prinsesa na ang itsura ng kwarto ko sa mga nilagay na curtains. hehehe. tinutukso ako nun una kasi madilim daw. un nga ung gusto ko mangyari, ung maging madilim kasi sa araw ako tulog. pwede na raw tawaging dark room at mag develop ng film. loko nila ako. archie dropped by to give his pasalubong for me, fresh strawberries and my all time fave lengua. dala rin nya ung pinabili ni mari na Romana peanut brittle. sinipag ang baby ko magdala. hehehe, certified pa naman un sa katamaran magbuhat ng marami kapag nagtatravel. ang taba ko raw sabi niya :( e sya naman ang malaki ang tiyan! hmp. kung hindi ko lang sya mahal...naku! hihihi. sigh, now im back for work. tapos na ang sandaling kaligayahan ko during my rest days. uuwi na sina mama, balik sa normal na naman ang buhay ko. bahay trabaho na naman ako. gusto ko nga sana sumama kaya lang kulang lang ung time ko dun kaya mag vl na lang ako para mas matagal. i've gotta lot of plans this year and that im pretty excited what God has for me. o sya, andito na makukulit kong friends. hehehe. tom ulit!

0 comments: