March 14, 2006

Ilang araw ko na ino-open ang blog ko pero hindi ako nagpopost. Kasi naman, sa dami ng pwede ikwento, hindi ko alam kung san maguumpisa. Nagpapasalamat na lang ako at hindi ako nakakalimutan ni God biyayaan despite my shortcomings.

Sa wakas, andito na ako sa trabahong gusto ko. Akala ko dati hanggang sa panaginip na lang ung naiisip kong pagtatrabaho sa loob ng bahay. Yun pala posibleng mangyari. Kaya tuwang-tuwa ako nun sabihin ni Prima na sa wfh siya work. Kelan pa yun, last year pa, August to be exact.

Nun sinabi ng mga kaibigan ko na walang benefits ang WFH, nagdalawang isip ako. Ilang buwan din ang lumipas bago ako nagdecide na lumipat na rin. Hindi ko na inisip ung mga benefits. Mas inisip ko yung advantage na makakasama ko mama ko lagi. Hindi na ako magaalala kapag lumalabas ako ng bahay sa gabi. Saka hindi na din magwo-worry mama ko na lumalabas ako ng dis-oras ng gabi. Dami nagtatanong kung bakit ako ang nagaalaga sa mom ko, simple lang sagot – kasi gusto ko. Hehehe. Kanya-kanyang likes lang naman eh. Basta walang pakialaman.

Lakas ng loob lang talaga sa bawat gagawin. Kung hindi rin lang ako natanggap sa wfh, sa Sykes pa rin talaga ako. Sobrang comfortable na kasi ako sa sistema nila. Saka yung mga naipundar kong investments eh galing lahat sa Sykes. Biruin mo, nun bagong dating ako dito sa Manila, ang dala ko lang eh isang manipis na mattress saka fan. Nakitira muna ako sa mga relatives ko sa Sampaloc. Na-experience ko yung pumasok na baha sa buong paligid. Hassle di ba? Gone were the days. Nasa SVI Connect palang ako dati. Pero nun nagkarun ng job fair ang Sykes, pinalad naman, ayun lumipat na ako. Mula nun, nakabili ako ng ref ko last Oct 2004. Tapos, last year naman Sony TV na 25inches naman ang nabili ko. Syempre apart na dun yung napundar kong mga beddings,etc. Ang sarap ng feeling na meron kang nakikitang product ng pinagpaguran. Sa condo na rin ako nakatira. Hehehe. Aside from these, meron din ako konting ipon sa bank.

I feel so blessed that I was able to mature. Ang dami kong natutunan mula nun magtrabaho ako. Naintindihan ko yung value ng money. Dati kasi nun college ako gastadora ako. Na-close ko 3x ang atm ko. Gang sa dumating sa point na hindi ako papaaralin dahil sa sobrang pasaway ko. Binigyan ako ng ultimatum, kapag na-close ko pa ulet atm ko, magsasarili na raw ako. Haaay, syempre di ko na ni-close. Hehehe. Ang masasabi ko lang, sariling disiplina lang talaga kung pano patakbuhin ang buhay. bow! Ang haba na pala ng nasulat ko? Waaaaaa! Sige next time ulet. Sana po hindi kita na-bore.

0 comments: