March 18, 2006

Hi, sobrang tuwa ko nun nakaraang araw. After mag down ang pldt, the next day gumana na Five9 ko. Yung first live ko sa bahay maganda ang naging welcome kasi nagkarun ako ng $20 incentive. Hehehe. Saya di ba? It is so nice to be appreciated in whatever way sa mga ginagawa. Aaminin ko, nun lagi sablay ang pldt gusto ko na mag-give up. Parang hindi ko kaya i-handle yung issue. Iniiyakan ko problema. As if kayang gawan ng miracle ng pagiyak ko yung problema noh. Kung alam niyo lang kung anong dinaanan ng pc ko dahil sa pldt na yan. umabot na talaga sa point na nakikipag-away na ako sa kanila. mga supervisor ang contact ko kaya agaran ang action. Sinabi ko sa kanila na kapag hindi pa naayos ipapa-cancel ko na lang. Buti na lang at meron co-worker na malapit lang at hindi sabay ng shift ko kaya ok.Hindi na ako nagdadala pa ng pc.

Ngayon, tapos na yung campaign namin. Ano kaya ang susunod? Kaya habang wala pang update, uwi na muna ako ng Baguio para mabisita ko ang aking mahal na meron sakit. Thankful naman ako at discharged na siya ngayon sa hosp. Ilang araw din niya dun.

Sige, next time ulet. I need to pack up. .

0 comments: