March 15, 2006

Haaay, kung minamalas ka nga naman. Excited ako magwork dito sa bahay kaninang umaga. First live ko kumbaga kaso ang pldt nagkarun ng network maintenance. Ayan, nag-off tuloy ako ng wala sa oras. Tsk, sayang ang isang araw.

Eto pa, umuwi si Archie sa Baguio para dalawin papa niya na nasa hospital. Imbes na bumisita lang, pati siya na-admit. Umuwi siya ng Baguio kahit masama ang pakiramadam. Nun Sunday pa siya inuubo tas pabalik balik na lagnat. Ayun, sabi ng doctor meron siyang Pneumonia. Ngayon naka-off ako. Gusto ko siyang samahan pero pano? Hindi kasya ang isang araw unless magbalikan ako. Imbes na makausap ko si Erin, hindi na kasi nag down nga ang pldt :( Nakakafrustrate di ba? Kung kelan kelangan mo saka naman hindi maasahan. Kaya eto ako ngayon, nag waste ng isang araw kakahintay sa sagot ng boss ko. Gusto kong magrisk pero syempre, ke bago-bago kong empleyado puro na ako off. Kaya ok lang kahit hindi pumayag si Erin. Nakausap ko naman na si Archie and he understands. I just hope that he gets well soon :(

0 comments: